full adsense tutorial Filipino

banner 468x60

Alam kong baka nahihirapan kang

magtayo ng online business,

na magkaroon ng passive income stream online.

Huwag kang mag-alala.

Ganiyan din ako mga 4-5 taon na ang nakakaraan.

Ipakita ko sa iyo ito.

Ito ang aking Google AdSense account.

Kung pupunta ka dito sa aking Entire account by day performance

para sa nakaraang buwan,

makikita mo na ang aking average na kita araw-araw ay nasa $88

mula lang sa Google AdSense.

Ipaliwanag natin nang mas detalyado.

Pupunta ako dito at, sabihin nating, mula April hanggang ngayong araw.

Makikita mo na mula April hanggang July, ang aking average na kita ay $67.52.

So yung nakita mong kita sa title,

hindi iyon scam o peke.

Ito ang kita: $67.52.

Ang average na kita araw-araw mula sa Google AdSense

account ko.

Ngayon ay iko-compress ko sa loob ng ilang minuto sa videong ito ang aking 3 taong karanasan.

Sasabihin ko sa iyo ang lahat ng kailangan mong malaman.

15 Steps

na kailangan mong sundin kung gusto mong kumita ng ganito bawat araw.

At least $50 bawat araw

mula lang sa Google AdSense.

Ang video course na ito ay talagang kakaiba at espesyal

dahil ito ay batay sa tunay na case study,

aktuwal na karanasan.

So puwede mo itong sundan, hindi mahirap.

Garantisado 100%. Epektibo ito.

Ito ang paraan kun paano ka magkakaroon ng tunay na negosyo o

kikita online na nasa bahay ka lang.

Kung handa ka na, magsimula na tayo.

Huwag na tayong mag-aksaya ng oras, magsimula tayo sa Step 1.

Alamin kung ano ang Google AdSense.

Alam kong baka alam mo na ang tungkol sa Google AdSense dahil pinapanood mo itong video.

Ngunit para sa mga baguhan, pag-usapan natin ang konsepto nito sa loob ng ilang segundo.

Sa madaling salita, ang Google Adsense ay isang service ng Google.

Wow!

Magpa-publish ka lang ng ads sa iyong website

at kapag may nakakita sa ad o nag-click sa ad,

kikita ka.

Napakadali.

Halimbawa, heto ang isa sa mga website ko, inquicksticks.com.

Nakikita mo, ito ay isang ad ng Google.

Ito, isa pang ad ng Google.

Kaya gagawa ka ng website,

mag-publish ka ng ads mula sa Google,

at kikita ka sa tuwing may makakita o mag-click sa ad.

Step 2: Unawain ang mga pangunahing Google AdSense metrics.

CPC

at CPM.

Bumalik tayo sa dashboard ko

at pupunta ako dito sa homepage

at bumaba tayo at tingnan natin kung anong meron dito.

Makikita mo ang CPC.

Ano ang CPC?

Ito ay cost per click.

Kung magkano ang kinikita mo pag may nag-click sa ads.

Kung magkano ang average na bayad para sa isang click

sa account mo.

Makikita mo sa account ko, meron akong akong $0.68

per click.

So sa nakaraang 7 araw, nakakuha ako ng 443 clicks.

Ibig sabihin,

imu-multiply mo ang numerong ito sa CPC

at malalaman mo kung magkano ang kita sa nakaraang 7 araw.

Napakasimple.

Ano ang CPM?

Ang CPM ay kung magkano ang maaari mong kitain,

ang bayad sa bawat 1000 impressions.

So ito ang website ko.

Kung makakuha ako ng 1000 imprressions sa aking ads, kahit walang clicks,

kikita ako ng pera.

Kung may mag-click, madadagdagan ang kita ko.

Kaya meron tayong dalawang models,

dalawang earning models. CPC, cost per click.

CPM, cost per 1000 impressions.

Step 3: Unawain ang sistema.

Bakit ka binabayaran ng Google?

Simple lang. Meron kang website, meron tayong advertisers, at meron ding publishers.

Tayo ang publishers,

tayo ang may-ari ng website.

Nandiyan din ang advertisers. At ang Google ang tagapamagitan.

Sasabihin ng advertisers kay Google, “Google, paki-advertise naman ng ad ko, ang banner ad na ito

at babayaran kita ng $100 para sa, sabihin natin, 50,000 impressions.”

So ilalagay ni Google ang ad sa website mo

at magbabayad ang advertiser kay Google.

At pagkatapos ay makakakuha ka ng bahagi mula sa kita ng Google Ads.

Kaya nakakakuha ka ng bayad mula sa advertisers na nag-publish ng ads sa Google

at ilinagay din ng Google ang ad sa website mo.

Medyo simple lang ang konsepto.

Step 4: Alamin ang iba’t ibang uri ng website

na maaari mong pagkakitaan sa Google AdSense

na inirerekomenda mismo ng Google.

Pumunta tayo sa browser ko at buksan ang link na ito.

Ilalagay ko ang link sa description sa ibaba kung gusto mong tingnan mismo ang website.

Recommended ito ng Google.

“Three types of websites that generate high value revenue

from AdSense.”

Type 1:

Blog site.

Ang blog ay isang website kung saan ka nagpa-publish ng articles.

Halimbawa,

inquicksticks.com.

Website ko ito.

Nagpa-publish ako dito ng book summaries.

OK.

Siya nga pala,

kung interesado ka, puwede mong puntahan at tingnan ito. Maari mong mabasa ang libro sa loob ng 10 minuto.

Free.

Isa pang halimbawa.

Ang aking main website,

h-educate.com.

Makikita mo, isa itong blog.

Marami akong articles dito.

Kaya ito ang unang type ng website.

Paggawa ng blog at pag-post ng articles.

Type 2: Forum site.

Ano ang isang forum?

Ito ay isang site kung saan maaaring pag-usapan ng mga tao ang isang paksa.

Maaari silang magtanong, sumagot, mag-usap-usap, makipag-ugnayan, atbp.

Muli,

kung bibisitahin mo ang website ko,

alam mo, kung nagfa-follow ka,

meron akong Forum.

H-educated Forum.

Makikita mong maraming tao dito ang nakikipag-ugnayan, nag-uusap-usap.

Meron tayong mahigit na 21,000 members,

23,000 posts.

Maaari ka ring mag-join kung gusto mo.

Isa pa itong uri ng website na maaari mong gawin

at pagkakitaan sa Google AdSense.

Type 3: Free online tool site.

Maaari kang gumawa ng isang online tool.

Halimbawa,

muli,

sa akin, meron akong

h-supertools.com.

Kung nagfa-follow ka,

alam mong meron akong libreng platform,

free digital marketing tools platform.

Kun hindi mo alam, puwede mong tingnan ngayon. Totally free.

Makikita mo rin na kumikita ako dito dahil sa Google AdSense ads.

Kaya ito ang tatlong uri ng mga website:

blog,

forum,

at online tool.

Maaari kang pumili ng alinman sa mga ito upang magsimulang kumita sa Google AdSense.

By the way,

kung babalik ka dito sa channel ko,

ipinaliwanag ko ang tatlong uri ng mga website.

Tinalakay ko sa full free courses

kung paano gumawa ng forum,

kung paaano gumawa ng free online tool,

at kung paano gumawa ng blog.

Ilalagay ko ang lahat ng mga link sa description sa ibaba.

Step 5:

Pumili ng niche.

Ngayon alam mo na kung ano ang Google AdSense,

alam mong kailangan mong gumawa ng website.

Maaari kang pumili ng anumang uri ng website.

Ngayon ay kailangan mong piliin ang paksa ng website.

Anong content ang gusto mong i-publish sa website?

Tungkol ba ito sa mga aso’t pusa? Cryptocurrency?

Tungkol ba sa negosyo at pananalapi?

Ito ba ay tungkol sa health and fitness?

Tungkol ba ito sa digital marketing

tulad nang sa akin?

Tungkol ba ito sa mga libro tulad ng inquicksticks?

Kahit ano. Kailangan mong piliin ang iyong niche.

At para hindi ka mahirapan,

meron akong libreng e-book sa website ko.

Maaari mo itong i-download ngayon.

Marami kang malalamang ideya.

At meron din akong full video dito

tungkol sa kung paano pumili ng tamang niche para sa iyo.

Ilalagay ko sila sa description sa ibaba. Maaari mong tingnan at pumili ka ng niche mo.

Napakasimple.

Step 6.

Pero bago iyan,

please huwag kalimutan,

kung meron kang tanong, kahit ano,

lalo na sa video na ito,

naghihintay ako sa comment section sa ibaba

o sumali lang sa aming telegram group

para makapag-chat at mapag-usapan natin ano man ang gusto mo tungkol sa video na ito

pagkatapos kong i-post ang video na ito.

Kaya
kung gusto mong sumali,

ilalagay ko ang link para sa telegram sa description sa ibaba.

At huwag kalimutang i-comment ang anumang tanong,

kahit anong gusto mo,

sa comment section sa ibaba.

Hihintayin ko ang comments mo.

So,

ano ang Step 6?

Ngayon alam mo nang kailangan nating gumawa ng website.

Para gumawa ng website,

kailangan natin ng hosting.

Ano ang hosting?

Ito ay ang paglalagay ng website mo online.

Kaya kailangan mong bumili ng hosting

mula halimbawa sa Bluehost, Hostinger,

baka VPS Hosting

gaya ko. Kahit anong kumpanya ang gusto mo.

Ayokong ipilit sa iyo ang anumang kumpanya.

Pumili ka lang ng kumpanya kung saan komportable ka.

At gumawa ng website.

Ipinaliwanag ko dito sa aking channel,

step by step, ang iba’t ibang kumpanya

sa iba’t ibang video.

Ilalagay ko silang lahat sa description sa ibaba.

Ngunit sa videong ito, hindi ko na ipapaliwanag ang steps at mga detalye.

Gusto kong ipakita sa iyo ang roadmap,

ang steps na dapat mong sundin upang magtagumpay.

Kaya please, sumubaybay.

Mamaya, pagkatapos mo dito,

maaari kang pumunta at panoorin ang anumang gusto mo at i-apply ang anumang gusto mo.

Kaya piliin ang iyong hosting.

Maaari mong gamitin ang Shared Hosting.

Puwede mo ring gamitin ang VPS Hosting.

Bahala ka. Kailangan mo lang magsimula at kumilos.

At pagdating ng panahon, maaari tayong mag-scale up at lalo pang umunlad.

Kaya huwag mag-alala.

Pumili ng kahit ano at simulan natin.

Step 7. Napakahalaga.

Nakapili ka na ng niche,

ng hosting.

Gumawa ka na ng website at na-publish mo na.

Kailangan mong mag-apply sa Google AdSense ngunit natatakot kang

hindi ma-approve.

Ang Step 7 ay kung paano ihahanda ang iyong website

para makakuha ng approval.

Please magfocus ng mabuti. Magbigay tayo ng direktang halimbawa

mula sa aking mga website.

So heto ang

inquicksticks.com.

At by the way,

nung una kong pag-apply sa website na ito,

na-deny ako big time.

Pero huwag mag-alala kung mangyari iyan.

Ipapakita ko sa iyo ang ginawa ko.

Ang una

ay ang design.

Ang gustung-gustong makita ni Google ay maganda ang design ng website mo.

Hindi ibig sabihin na kailangan mong bumili ng mga theme.

Maaari kang gumamit ng libreng themes.

Marami tayong theme na libre para sa WordPress, para sa Blogger.

Siya nga pala,

ang Blogger ay isang free service mula sa Google

para sa paggawa ng libreng website.

Anyway,

so maaari kang gumamit ng libreng theme o puwede kang bumili mula sa ThemeForest,

kahit anong gusto mo.

Ikalawa,

meron tayong common pages na dapat mong i-publish.

Kung pupunta ka dito sa ibaba, makikita mo na meron akong Privacy Policy page,

meron akong Terms page, at meron akong About page.

Meron din tayong Contact Us page.

Kaya bago ka mag-apply sa Google AdSense,

tiyaking meron ka ng apat na page na ito sa iyong website.

Napakadali lang gawin ng Contact Us page.

Maaari mong gamitin ang libreng plugin sa WordPress,

ang contact form plugin, para i-publish ito.

Sa About section, mag-add ka lang ng image

at sumulat ng ilang impormasyon tungkol sa iyong website.

Ano ang website mo? Tungkol saan ito?

Napakadali.

Terms and Conditions at Privacy Policy.

Tutulungan kita. Ia-attach ko ang templates sa description sa ibaba.

I-copy mo lang.

Baguhin ang website address at pangalan ng iyong kumpanya sa loob ng mga template na ito

at i-publish ito sa iyong website.

Napakadali.

Ang Privacy Policy at Terms page ay naka-attach sa description sa ibaba

para hindi ka na mahirapan. I-copy at i-paste mo lang.

OK.

Kaya ilagay ang 4 na common pages na ito.

So design, common pages.

Ikatlo, categorizing

lalo na kung may blog ka.

Makikita mo rito,

meron akong categories ng book summaries.

Kaya laging tiyaking ilagay ang full menu with categories.

Kahit meron kang tools website,

sikaping maglagay ng categories. Nakikita mo

meron akong full menu ng tools sa aking website.

Sa forum,

marami akong sub-forums sa forum.

Kaya laging sikaping i-categorize at maglagay ng categories sa website mo

para magmukhang organized at professional.

Magandang tip din,

tiyaking ilagay ang iyong website sa Google Webmasters.

I-search sa Google ang Google Webmasters,

ang Search Console

at ilagay ang website mo dito.

Ano ang Google Search Console?

Isa lamang itong tool mula sa Google na makakatulong sa iyo na i-index ang site mo,

i-rank ang site, at ma-track ang performance mo

sa Google search engines.

Upang makita kung gaano karaming clicks ang nakukuha mo, atbp.

Pumunta tayo dito sa Google Webmasters,

ang Search Console.

Iki-click ko ang Start now para lang ipakita sa iyo ang isang simpleng halimbawa.

Ito ang aking website,

h-educate.com.

Pupunta tayo dito sa Performance

at makikita mo na mata-track ko dito

kung ilang clicks, gaano karaming impressions ang nakuha ko mula sa Google,

kung anong mga tanong ang sini-search ng mga tao para makita ang website ko.

Pareho din sa H-Supertools

at sa lahat ng aking mga website.

Kaya ilagay ang iyong website sa Google Search Console.

Napakadali lang. Simpleng Google search lang.

Marami tayong videos,

libu-libong videos tungkol dito

kun paano ilalagay ang iyong website sa Google Search Console.

Sikapin mo ring ilagay ito sa Google Analytics

para ma-track ng Google ang performance mo,

at ibigay ang lahat ng impormasyon sa Google. Ang Google Analytics,

ipakita ko sa iyo ito bilang isang halimbawa.

Ito ang H-Supertools.

Ito ang analytics ko nitong huling pitong araw.

Mata-track mo lahat.

Kaya tiyakin mo rin na i-link ang website mo sa Google Analytics.

Kaya ito ang mga karaniwang bagay na ilalagay sa anumang website bago ka mag-publish o mag-apply sa Google AdSense.

Muli,

design,

categorize,

common pages,

at mag-submit sa Google Webmasters o Search Console at Web Abalytics.

Ngayon meron tayong ilang partikular na kailangan para sa iba’t ibang uri ng mga website

at iyan ang tatalakayin natin sa Step 8.

Kaya tumutok.

So sinabi natin na meron tayong tatlong uri ng websites:

blog,

tool, at forum.

Magsimula tayo sa blog.

Ang partikular na kailangan mong gawin sa blog

ay maglagay o mag-publish ng at least 15 hanggang 20 iba’t ibang articles

bago ka mag-submit ng application sa Google AdSense.

Sa mga forum,

tiyaking magkaroon ng engagements.

So puwede kang mangolekta ng ilang mga tanong,

mangolekta ng ilang mga paksa at i-publish ito.

Kumuha ng traffic,

I mean daan-daang engagements.

Sikaping magkaroon ng users na magfa-follow sa forum atbp,

bago ka mag-apply.

Para sa tools website,

tiyaking maglagay ng content.

Paano? Halimbawa,

meron ako ditong Free YouTube Keyword Tool.

Dito sa ibaba makikita mo

ipinaliwanag ko ang tool.

Kaya

maglagay ng paliwanag,

i-describe ang bawat tool, kung paano ito gumagana,

maglagay ng content sa iyong tools.

Huwag hayaan na tool lang siya

bago ka mag-apply.

Makakatulong ito sa iyo na ma-approve kapag nag-submit ka ng application.

So ito ang Step 9.

Ito ang mga partikular na bagay na dapat mong gawin

para sa bawat uri ng website bago mag-apply.

At huwag kalimutan,

kung meron kang tanong, kahit ano,

mag-comment sa ibaba o magtanong

sa telegram group

pagkatapos kong i-publish ang videong ito. Available ako na makipag-chat sa iyo.

Step 9.

Mag-apply sa Google AdSense.

Meron ka nang website.

Ilinagay mo na ang lahat ng kailangan.

Handa ka na.

Mag-apply na tayo.

Pumunta sa Google AdSense.

Mag-sign up. Pagkatapos ay pumunta dito sa Sites

at i-add ang site mo.

Makikita mo meron akong tatlong website na na-approve:

h-educate,

h-supertools, at inquicksticks.com.

I-add ang website mo dito. Halimbawa,

meron akong free website

seoanalyzer.me.

Kung hindi mo alam ito, isa rin itong libreng tool

na ipinublish ko.

Puwede mong i-analyze ang website mo nang libre.

Ilagay natin iyan dito.

I-click ang Save and continue.

Siya nga pala,

isa itong tool website.

Makikita mo ito ay isang tool.

Dito bibigyan ka ng code na ipa-publish sa iyong website

o na ilalagay sa website mo.

Napakadali. Sa WordPress o Blogger,

i-paste mo lang ang code mo.

Meron din tayong guide kung paano ito gagawin sa WordPress.

I-paste mo lang ito at mag-request ng review.

Ganun lang.

Ganito ang paraan

ng pag-submit ng application sa Google AdSense.

At maghintay ka lang ng mga

isa, dalawa, tatlong araw.

Baka minsan isang linggo, hindi ko alam.

Upang makakuha ng approval o reply mula sa Google.

At huwag mag-alala.

Huwag kang mag-alala kung ma-reject ka.

OK lang iyan.

Sabi ko nga, na-reject ako nung una akong mag-apply.

Subukan mo lang ulit.

I-review mo ang lahat ng requirements.

Tingnan kung ano ang sinabi sa iyo ng Google

kung ano ang mga kulang, at sikaping ayusin ito.

At tutulungan kitang ayusin.

Kung may problema ka,

i-comment sa ibaba, sa forum,

sa telegram group.

Gagawin ko ang best ko, kasama ng friends ko, ng team natin, at ng iba pa.

Gagawin namin ang aming makakaya upang tulungan ka.

Kaya huwag kang mag alala, kasama mo kami.

Kumilos ka lang at magsimula. Narito kami

para magtagumpay ka online.

Kaya ang Step 9 ay mag-apply sa Google AdSense.

Step 10:

Alamin kung gaano karaming traffic ang kailangan mo

para kumita ng $50 bawat araw.

Balikan natin ang dashboard ko, Report section,

Last month.

At makikita mong kumita ako ng mahigit sa $2,600 noong nakaraang buwan

mula sa Google AdSense at ang average na kita ay $88 bawat araw.

Sa table na ito,

makikita mo agad kung gaano karaming impressions ang kailangan mo,

ang bilang ng clicks, estimate clicks, na kailangan mo,

at kung ilang page views ang kailangan mo bawat araw para maabot ang kitang ito.

So halimbawa,

ang average page views bawat araw

ay mga 13,000 page view bawat araw,

page view

hindi users, page views para kumita ng $88.

Kaya’t kailangan ng average na 8,000-10,000 page view bawat araw

para kumita ng $50,

ng average na 80-100 clicks para kumita ng $50

depende,

kung naaalala mo yung kanina,

depende sa CPC mo.

Sa Home section,

ang CPC.

Sa akin, $0.68.

Ngayon, ang importanteng tanong mo,

“Paano tataas ang CPC?”

Ipinaliwanag ko iyan ng detalyado sa isang

full video dito sa channel ko,

kung paano kikita ng $4.80 per click sa Google AdSense.

Maaari mong panoorin ang full video, nasa description sa ibaba o dito sa screen ang link.

So ang average page views ay 10,000 bawat araw para kumita nang ganito

depende sa CPC mo.

Iyan ang average, humigit kumulang, depende sa numbers mo.

At mga 70, 80, 100 clicks bawat araw.

Kung minsan, sa 10 clicks lang kumikita na ng $100.

Depende iyan sa CPC.

Ngunit dito sa pinag-uusapan natin, nag-i-estimate tayo. Tinatantiya natin kun ilan

ang igo-goal mo.

Kaya sa plano mo, i-goal mong makakuha ng hindi bababa sa 10,000 views bawat araw.

OK?

Sa tingin ko malinaw na ang ideya.

Ngayon ay maaaring maitanong mo kung gaano katagal,

gaano katagal bago ko naabot ang kitang ito?

Gaano katagal kang magtatrabaho upang maabot ang kitang ito bawat buwan?

5 taon?

10 taon?

Mga buwan lang?

Kung tatantiyahin, gaano katagal?

Tingnan ulit natin ang data ko.

Kung pupunta ka dito sa Customs,

at sabihin nating gusto kong magsimula sa simula ng taong ito.

Apply.

Sorry, hanggang July.

Makikita mo na sa nakaraang anim o pitong buwan,

ang average ko ay mga $43.52.

Makikita mo dito kung ibi-break down ko siya by days.

Pero mula nang magsimula ako,

gaano katagal bago ko naabot ito?

Bumalik tayo sa

1/1/2020 hanggang

2/1/2020.

Apply.

Makikita mo na noong nakaraang taon ay wala akong kinita.

Makikita mo

$0.

Noong nakaraang taon ito,

January 2020.

Kaya inabot ako ng isang taon

upang maabot ang $43 bawat araw.

Kaya sa akin,

inabot ako ng isang taon para maabot ang numerong ito.

Noong nakaraang taon,

parehong buwan ngayon, June 1 hanggang July 2,

kumikita ako ng mga $10 bawat araw

mula sa Google AdSense.

Makikita mo $300 bawat buwan.

Kaya inabot ako ng anim na buwan upang maabot ang $300 bawat buwan.

Sa tingin ko mabilis na yun.

Anim na buwan lang para maabot ang bilang na ito.

at isang taon para maabot ang $50 bawat araw.

Tapos, 18 buwan para maabot ang $88 bawat araw.

Kaya pag-isipin mo.

Sinasabi ko sa iyo ngayon, maaari kang magtrabaho ng 18 buwan,

sabihin nating dalawang taon.

At pagkatapos ng dalawang taon,

magkakaroon ka na ng passive income source online,

na kumikita ng humigit-kumulang $1,500.

Lugi ba?

Sa tingin ko hindi.

At mas malaki pa diyan ang kikitain mo kung mas masipag ka kisa sa akin.

Ito ay isa lang sa mga source of income ko,

hindi ito ang aking main focus.

Meron akong higit sa anim na pinagkakakitaan online:

courses,

affiliate marketing, at marami pang iba.

Kaya kung magfo-focus ka sa isa lang na income source, puwede kang kumita ng mas malaki kisa diyan.

Step 12:

Puwede mo maitanong,

“Paano kung wala akong pera?

Wala akong pera para sa hosting.

Wala akong pera para bumili ng domain. Pero gusto kong magtrabaho.”

Gustung-gusto mong trabaho.

Puwede ka bang magsimula?

Siyempre puwede!

Puwede kang pumunta sa blogger.com.

Gaya ng nabanggit ko kanina,

ito ay isang libreng service ng Google at

maaari ka ditong gumawa ng libreng blog upang makapagsimula,

isang libreng website upang makapagsimula.

Napakadaling magsimula.

Napakadaling gamitin dahil meron ng mga template.

Marami din tayong mga libreng template online.

Malapit na din akong mag-publish ng isang free course kung paano gumawa ng isang kumpletong website gamit ang Blogger nang libre.

Kaya stay tuned.

Huwag kalimutang mag-subscribe at i-on ang notifications para sa bawat bagong update.

Kaya ang Blogger ay isang libreng site para gumawa ng website mo.

Ngayon, paano naman ang domain name?

Baka sabihin mo,

“Wala akong pambili ng domain name.”

Ano ang puwede nating gawin?

Puwede tayong magtrabaho online

sa loob ng isang linggo upang kumita ng mga $10-15 pambili ng domain name.

Paano?

Panoorin ang aking video

tungkol sa kung paano kumita ng $2 bawat araw

online na sa bahay ka lang nagtatrabaho.

Garantisado ito.

Isang full case study

kun paano magtatrabaho online at kumita ng $2 mula sa bahay nang walang puhunan.

Kaya wala kang maidadahilan. Kung talagang desidido kang magsimula,

kung may passion ka,

pumunta ka sa blogger.com,

magtrabaho ng isang linggo,

bumili ng domain.

Ang lahat ay libre at maaari ka nang magsimula.

Step 13:

Palakihin ang iyong kita sa pamamagitan ng affiliate marketing.

So may website ka na ngayon,

na-approve ka na,

kumikita ka na sa Google AdSense.

Bakit hindi magdagdag ng ibang source of income,

ng isa pang passive income source?

Kung pupunta ka dito sa account ko sa CJ,

Commission Junction,

isa sa mga pinakamagandang affiliate marketing network,

makikita mo na sa buwang ito hanggang ngayong araw,

kumita ako ng mga $500.

Noong nakaraang buwan,

kumita ako ng mga $2,300.

Mula ito sa affiliate marketing.

Dito sa impact account ko,

meron akong mga $877 hanggang ngayong araw.

Ito ay dalawang halimbawa lamang galing sa trabaho ko sa affiliate marketing.

Kung babalikan mo ang website ko

at bubuksan ang isang article,

kahit anong article,

makikita mo

na marami akong pino-promote na affiliate products.

Marami akong links dito na affiliate links.

Kumikita ako kapag may nag-click nito at bumili.

Maaari mo ring pagsamahin ang Google AdSense at affiliate marketing

upang madagdagan ang iyong kita.

Dito ulit sa forum,

makikita mo, ito ay isang sponsored banner ad mula sa Bluehost.

Kapag may nag-click at bumili,

nakakakuha ako ng komisyon.

Ito ay isang banner ad na nagpo-promote ng affiliate products.

Kaya huwag mag-stick sa isang income source lang.

Dagdagan ang iyong kita sa pamamagitan ng paggamit ng affiliate marketing

sa website mo.

Kung gusto mong matuto pa nang higit tungkol sa affiliate marketing,

real case studies, kung paano ko ito ginagawa,

lahat,

ipinapaliwanag ko lahat iyan dito sa aking channel. At ito ay libre.

Kailangan mo lang magdesisyon at kumilos.

Tingnan, Matuto, at Gawin.

Iyon lang.

Ngayon

kayo na ang bahala.

Kailangan mong magsimula.

Kailangan mong kumilos.

Step 14.

Ang Step 14 ay regalo ko sa iyo

para tulungan ka.

Magkakaroon tayo ng giveaway ngayon

at ang dalawang mananalo

ay magkakaroon ng promotion mula sa H-educate.

Makikita mo dito sa website ko,

nagpo-provide kami ng service

na pagpo-promote ng negosyo.

Ibibigay ko ang serbisyong ito sa dalawang mananalo

nang libre

para ma-promote mo ang iyong website at lumago ang negosyo mo,

makakuha ka ng traffic at kumita sa Google Adsense.

O kaya, makakuha ng traffic para ma-approve sa Google AdSense.

Kung gusto mong sumali,

tingnan ang link sa description sa ibaba

at ang instructions kung paano sumali sa giveaway.

Step 15:

Paano ka babayaran?

OK.

So ngayon ay na-approve ka na,

kumikita na tayo.

Paano tayo babayaran ni Google?

Kung pupunta tayo dito sa Payments section

sa account mo,

ito ang aking account,

pagkatapos ay i-click natin ang Manage Payment Methods,

makikita mo na ini-link ko ang aking bank account.

Ngayon maaaring sabihin mo, “Wala akong bank account.

Paano ako mababayaran?”

Maaari kang lumikha ng virtual bank account sa pamamagitan

ng Payoneer,

isa sa mga best na kumpanya sa mundo.

Pumunta sa payoneer.com,

ilalagay ko ang lahat ng mga link sa description sa ibaba.

Gumawa ng account.

At maaari kang gumawa ng virtual bank account

na ili-link mo sa iyong Google AdSense profile.

Maaaring sabihin mo, “Gusto kong sa PayPal ako bayaran.”

OK.

Puwede kang pumunta dito sa

ezoic.com.

Ang links ay nasa description sa ibaba.

Dito, puwede kang mag-apply ka Ezoic

na ka-partner ng Google at magpa-publish ito ng Google Ads sa iyong website

at sa PayPal ka babayaran.

Kaya huwag magdahilan.

Puwede kang gumawa ng Payoneer account,

ng PayPal account,

kahit anong gusto mo.

Maaari ka ring bayaran sa pamamagitan ng tseke depende sa kung nasaan kang bansa.

Kaya huwag magdahilan.

Kumilos ka lang at magsimula.

Sana ay nagustuhan mo ang videong ito.

100% legit ang information na sinabi ko, base sa experience ko

at marami akong ginawang tests.

At nakita mo mismo ang numbers.

Kung gusto mong maging matagumpay,

kailangan mong sundin ang steps na ito.

Kailangan ng kaunting pasensiya,

trabahuhin araw-araw,

at magtatagumpay ka.

Darating ang panahon na

magkakaroon ka ng full passive income online stream

at uupo ka nalang at ita-track ang iyong kita at titingnan ang iyong dashboard.

Oras na para sa live advice.

Ano ang advice natin ngayong araw?

Sa mundong ito,

meron tayong dalawang uri ng tao:

ang unang bahagi ay

clones lang ng bawat isa.

Ito ang klase ng mga tao na gumigising,

pumupunta sa trabaho,

kumakain, nagsasayang ng oras,

nanonood ng mga pelikula, natutulog,

at gigising ulit,

pupunta sa trabaho,

ganun lang.

Ito ang karamihan sa mga tao sa buong mundo.

Ang pangalawang uri ng tao ay ang mga taong

ginagamit talaga ang isip nila.

Sila ang mga tao na mas malawak ang iniisip,

gusto nilang baguhin ang kanilang buhay.

Mga taong may disiplina sa sarili.

Mga taong may gustong gawin sa buhay na ito

at hindi lang maging gaya ng iba.

Mga taong gustong matuto,

nagsusumikap sila, tumutulong sa iba, may ginagawa para sa ikabubuti ng planetang ito,

talagang tumutulong sa lipunan, at iba pa.

Isang maliit na advice mula sa isang taong nagsisikap na may maiambag,

huwag maging kabilang sa unang bahagi.

Magsikap na baguhin ang buhay mo muna,

pagkatapos ay tumulong sa iba.

Laging ilagay ito sa iyong plano.

Huwag maging makasarili at magtrabaho lang para sa sarili.

Gawin ang makakaya upang baguhin ang buhay mo.

Huwag maging

gaya o clone lang ng iba.

Magsikap, magbasa, matuto,

i-improve ang sarili, i-improve ang skills mo,

magtiyaga, at maging matagumpay,

at tulungan ang iba na magtagumpay.

Kita tayo sa susunod.

 

banner 300x250

Related posts

banner 468x60

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *